DEAR FRIEND,
FIRST TIME ko lang makita ang kagandahan mo alam mo bang para akong naglalakad sa STAIRWAY TO HEAVEN, kasi para kang BEAUTY QUEEN sa aking paningin. Ewan ko ba para tuloy akong na MAJIKA o nagayuma ng ILUMINA dahil sa iyong ganda. Alam mo ba, labis ang CLICK at KAKABAKABA ng puso kung ito pag ikay nakita na at LANGIT SA PILING MO pag ikay kasama. Sa tingin ko friend, mahal na kita.
Parang PARTY PILIPINAS kapag tayo'y magkasama. lalo na nung nagsasayaw tayo sa togtug ng WINTER SONATA. parang EXTRA CHALLENGE ng aking buhay dahil hindi ako marunong sumayaw at napa DA DE DI DO DU pa nga tayo nun. Habang nagsasayaw sa togtug ng sonata, akoy hindi na nahihiya dahil sinabayan mo ako, para tayong CELEBRITY DUET sa panahong iyon. Naitanong ko tuloy sa isip ko, friend ikaw na nga ba ang BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG?
Alam kung DISYESITE pa tayo ngunit alam kung nararamdaman kung ito ay totoo. Sana ganun rin ang nararamdaman mo. FATED TO LOVE YOU na talaga at ito ay sure na. Alam mo bang baliw ako sayo? kasi I STARTALK at humiling: WISH KO LANG, SANA AY IKAW NA NGA.
Naalala mo pa ba, nung sinabi mong TAKE ME OUT, kasi broken hearted ka nun, kaya inilabas kita at binigyan ng LAVENDER para lang sumaya ka. PInapikit pa nga kita nun at sinabihan pang 'WAG KANG KUKURAP huh?'. Hindi nga ako nagkamali, ngumiti ka nga ng makita mo ang napakaliit kulay violet na bulaklak. Labis ang tuwa na aking nadarama dahil kahit isang saglit man lamang ay napasaya kita at natanggal ko ang lungkot na bumabalot sa iyong puso at luha sa iyong mga mata.
Friend ako ang magiging JUMONG mo na laging magtatangol sa yo. Ako ang unang masasaktan para protektahan ka lang. Alam mo ba, Parang THE DEVILS BESIDE ME nung makita kung lumuluha ang iyong mga mata, parang napa BORN TO BE WILD ako. Gusto kung bugbugin ang taong nagpapaluha sayo pero sinabi mo 'huwag na baka mapahamak pa ako' kasi miyembro ng BUBBLE GANG ang lalaking nagpaluha sayo. kahit sa konting pag-alala sa iyong sinabi ay sumaya ako. Ngunit sinabi kung "eh ano ngayon, si CAPTAIN BARBEL yata itong friend mo" at bigla kang tumawa. at nagtawanan tayo sa mga oras na iyon.
AHA! naalala mo rin ba nung sinabi kung TE AMO at ika'y na pa huh? at nag taka ka kung anong ibig sabihin ng mga salitang nabigkas ko sa mga oras na iyon. Ngunit ako ay nag-alala baka mawala ka, baka isipin mo nag take advantage ako sayo. Kaya sinabi ko nalang na ang ibig sabihin nun ay "bestfriend".
HAhay! pano nalang ako KUNG MAWAWALA KA. Sa tingin ko hindi ko makakaya na harapin ang bukas na nag-iisa.
Alam mo rin ba friend?, naging IMBESTIGADOR tuloy ako kasi bawat kilos mo ay alam ko. kahit saan ka magpunta at kahit nasaan ka hindi pweding hindi ako kasama kaya para na akong buntot mo laging nakasunod sayo. Halos 24 ORAS ang mga mata ko ay nakabantay sayo.
Naalala mo rin ba nung naglalakad tayo sa isang lugar na puno ng mga malalaking puno at ang mga ibon ay humuhuni para sa ating dalawa para tuloy tayong naglalakad sa EAST OF EDEN. Naalala mo rin ba nung nakakita tayo ng FULL HOUSE sa lugar na iyon. Sinabi mo pa, na pangarap mo na magkaroon ng bahay na katulad nun. Ngunit nag contradict ako sa iyong mga sinabi at bigla kang nagalit at nagtampo; ngunit nakabawi rin naman. napawi rin ang galit at pagtatampo mo nung sinabi kung 'kasi friend hindi bagay ang ganda mo sa munting bahay na iyon, kasi bagay ka sa isang palasyo at ikaw ang hihiranging JEWEL IN THE PALACE' at bigla kang lumingon, Unang banat mo pa nga yun sa akin at sinabi mo "at ikaw naman ang aking COFFEE PRINCE o Di kaya ay BAKER KING" at ako ay natawa COFEE PRINCE?? BAKER KING?? sabi ko pa feeling na parang ayaw ko. at sumagot ka 'Oo mahal na prinsipe, buti nga binigyan pa kita ng katungkulan sa palasyo ko' sabay tiris sa mukha ko at tumakbo. "hoy! ang daya nito" sabi ko pa sabay habol sayo. At naghahabulan nga tayo nun, para tayong mga bata. hahay! sarap balikan ang nakaraan.
Hindi mo lang alam friend na ENDLESS LOVE ang pagmamahal ko sayo. Para maniwala ka dadalhin kita sa aking palasyo. Doon sa ETHERIA at ililipad kita kasabay ng mga MULAWIN o di kaya ay sa palasyo ko sa ENCANTADIA kita ipupunta dun bagay ang iyong ganda na mala enkantada at ililipad kita sa kasabay ni DARNA at sisiguraduhin kung ikaw ay malulunod at mahihilo ka sa KAMANDAG ng aking Pagmamahal at pangako ko sayo, itaga mo pa sa bato IKAW LANG ANG MAMAHALIN at KAPUSO ng aking buhay. Sana ay mahal mo rin ako.
Your Friend,
No comments:
Post a Comment